ano po ba kasalanan ng kamera namin at sa halip na ayusin ninyo ay lalo po ninyong sinira?

277 views
0
Alexander Nas (anonymous)

Ano ba naman tong Sony Service Center dito sa Legazpi? Pasensya na po kung nawala ang tiwala at respeto namin sa inyo. Kayo rin po ang sumira neto.

Instead na ayusin po ninyo yung SONY NEX 6 camera na dinala namin sa inyo lalo pa po ninyong nasira at buong unit pa po ang sinira ninyo.

Minor repair lang naman po yung ipinakisuyo namin sa inyo: Loose Mode Dial at saka yung lalagyan ng memory card na di masyado nagla lock . Pero bakit po ng ibalik ninyo sa amin dina makilala ng camera body ang sarili netong kit lens?

Kung ano lang po sana yung idinulog namin sa inyo yun lang din sana ang kinumpuni ninyo. Di na po sana ninyo ginalaw yung ibang piyesa neto.

Kahit nga po medyo maluwag ang mode dial saka di masyado nala lock yung memory card slot neto, pero napagtitiyagaan at nagagamit po namin sa aming negosyo araw araw. Ang ganda po ng performance ng kamera namin bago namin dinala sa inyo para ipakumpuni yung kunting sira neto.

Ang tanong po namin at malaking palaisipan sa amin: Bakit po ng ibalik ninyo sa amin sira na ang camera body at ang lens neto? samantalang bago namin dinala sa inyo nagagamit pa po namin.

Nagdi demand pa po kayo sa aming ng P8,900.00 para palitan yung optical lens glass na ang sabi po inyo ay sira na. Bakit po nasira? Ako po mismo ang naglilinis na aking kamera kaya masasabi ko pong di yun sira at malinis po yung buong kamera ng ipinagkatiwala po namin sa inyo.

Pasensya na po at wala po kaming ganyan kalaking kantidad at kung tutuusin makakabili na po kami ng bagong lens sa halagang sinisingil ninyo sa amin.

Mula ng mabili namin ang kamera, ngayon lang po namin dinala at ipinagkatiwala sa inyo para ipakumpuni yung kunting sira ng aming kamera.

Nakakawala ng respeto at tiwala ang ganitong mga katiwalian at gawain po ninyo na akala namin mapagkakatiwalaan at maaasahan namin kayo yun pala kayo mismo ang sisira ng gamit na ipinagkatiwala po namin sa inyo.

Nakailang balik na po kami diyan sa inyo pero wala po kayong magandang aksiyon na ginawa para maresolve ang amin pong reklamo.

Sony Service Center / Solid Electronics Service Corporation Legazpi City Malaking perwisyo po ang naidulot nito sa aming negosyo. Kami po ay nakikiusap sa inyo na kung pwede palitan po ninyo ang kamera namin at irefund po ninyo yung P800.00 pesos na ibinayad namin sa inyo para sa pagkumpuni ng aming kamera.

Sana naman po gawan po ninyo ng maayos na aksyon ang ganito pong reklamo sa opisina ninyo. Huwag po sana ninyong hayaan na masira ng tuluyan ang amin pong pagtitiwala sa inyo.

Write your answer..